P183-M KUMPISKADONG SIGARILYO WINASAK NG BOC-PORT OF ZAMBOANGA

BILANG linya sa mandato ng Bureau ang pagpapalakas ng border protection para mapigilan ang pagpasok ng mga ilegal na kalakal, ay sinira ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Zamboanga ang 183 milyong pisong halaga ng smuggled cigarettes noong nakaraang Disyembre 7, 2020 sa isang warehouse sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City.

Mahigit sa 5,200 master cases ng sigarilyo, ang nasabat sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations simula noong Setyembre 2020 na winasak sa pamamagitan ng payloader equipment sa labas ng yarda, binasa ng tubig ng bumbero sa isang sanitary landfill sa Brgy. Salaan.

Ang agarang pagwasak at pagtatapon ng mga nabanggit na kontrabando ay isang matatag na direktiba ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero para itaguyod ang transparency at pagalis sa pagdududa ng korapsyon, pagnanakaw o pangungupit sa ahensiya.

Ayon sa report ni District Collector Segundo Sigmundfreud Z. Barte Jr., ang ginawang pagwasak ay pangatlo na sa Port para sa taon kasunod noong Mayo 2020 at Setyembre 2020.

Ang condemnation activities ay nag-resulta ng pagwasak at pagtatapon ng nasabat na ilegal at pekeng sigarilyo, raw materials at counterfeit internal revenue stamps na may halagang P254 million at P1.5 billion.

Sa ilalim ng pamumuno at patnubay ni Commissioner Guerrero, ang Port of Zamboanga ay may naiulat na pagkakakumpiska ng mahigit sa Php 2.2 billion-peso halaga ng ibat-ibang ilegal na kalakal para sa panahon ng Enero hanggang Nobyembre 2020.

Ayon kay District Collector Barte, ang mga kredito at mga nagawa nilang ito ay resulta ng isang mahusay na inter-agency cooperation sa tulong na rin ng Bureau’s partner agencies na kinabibilangan ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Philippine Marines, Philippine Navy, National Bureau of Investigation, Joint Task Force Zamboanga, ang Bureau of Fire Protection, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Internal Revenue, ang military, local government at iba pang concerned stakeholders.

Kaugnay nito, ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa kanilang partners para sa suporta at aktibong pakikiisa sa kampanya ng BOC na mawala ang mantsa ng Mindanao bilang likod na pintuan ng bansa para sa smuggling.

Ang condemnation ceremony ay sinaksihan ng local government unit, ng mga pinuno ng partner law enforcement agencies, kinatawan mula sa Commission on Audit, Department of Health, at stakeholders. (Joel O. Amongo)

146

Related posts

Leave a Comment