LALAKI PATAY SA TAUHAN NG NBI

IDINEKLARANG dead on arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng isang tauhan ng National Bureau of Investigation ( NBI), sa Pampanga Street, malapit sa Juan Luna St., Gagalangin, Tondo, Manila noong Linggo ng gabi.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Rigor Almodovar, 55, ng Barangay 161, Tondo.

Samantala, hindi umabot nang buhay sa Tondo Hospital ang biktimang si Elmer Resureccion, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Sir Christian Joseph Pineda kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police Disttict – Homicide Section, bandang alas-9:45 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa nasabing lugar.

Nabatid sa kuha ng CCTV, habang naglalakad ang biktima nang mapadaan ito sa harapan ng suspek habang nakikipag-usap sa isang lalaki.

Nagulat na lamang ang biktima nang akbayan ito ng suspek hanggang sa magsuntukan ang dalawa.

Pagkaraan ay bumunot umano ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima.

(RENE CRISOSTOMO)

138

Related posts

Leave a Comment