PAGSIRA NG YOSI PARA IWAS SA TB

0

SANDAMAKMAK na sigaril­yong bigong ipuslit sa merkado ang winasak ng Bureau of Customs (BOC) sa hangaring tuldukan ang paulit-ulit na tangkang pagpupuslit ng mga iligal na kargamento sa bansa.

Sa pangunguna ng BOC-Port of Cagayan de Oro, winasak sa loob mismo ng Digama Warehouse and Destruction Facility ang P30-milyong halaga ng mga kumpis­kadong sigarilyong nasabat sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong nakaraang Mayo.

Sa pagtataya ng Port of CDO, aabot ng 48,850 reams na sigaril­yong nakapaloob sa 977 master cases ang sinira gamit ang isang shredder equipment, sa pagnanais na hindi na ito makarating pa sa merkado.

Sa datos ng BOC, isang Lorna Oftana ng General Santos City ang nakatalang consignee ng nasabing shipment na ikinubli bilang “personal effects.”

Kasama sa isinagawang pag­wasak sa mga kumpiskadong sigarilyo sina Port of Cagayan de Oro District Collector Elvira Cruz, Deputy Collector for Operations Elizabeth Delas Llagas, CIIS CDO Field Station Chief IO1 Oliver Valiente, ESS-CDO District Commander SP/Capt. Abdila Maulana Jr., ESS CDO Deputy District Commander SP/Lt. Arkhan Macaombang, Warehouse In-Charge Maida Dimakuta at Mr. Richard Paragas bilang kinatawan ng Philip Morris.

Kasong paglabag naman sa RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang inihain na ng BOC laban kay Oftana.

Sa isang pahayag, tiniyak naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mas paiigtingin pa ng kanilang kawanihan ang kampanya kontra smuggling. Babala pa nito, ipakukulong ang iba pang magtatangkang magpuslit ng mga iligal na kargamento kasunod ng paghahain nito ng kaso sa mga importer, consignees at customs brokers nito lamang nakaraang linggo. (BOY ANACTA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment