PAGTULONG NG BOC-POS SA AETA COMMUNITY PATULOY

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Subic sa kanilang 30th anniversary celebration, pinagtibay nila ang kanilang pangako sa community engagement and social responsibility sa pamamagitan ng active involvement sa Pastolan Aeta community sa Subic Bay.

Ang Port of Subic team, kasama si District Collector Carmelita M. Talusan, CESO V, ay may matibay na adbokasiya para sa ‘community development’ kaya pinangunahan ang nasabing inisyatibo, bilang pakikiisa at suporta sa ‘personnel at stakeholders’.

Bilang pagkilala sa kahalagahan ng pag-uugnay kasama ang komunidad, at tugunan ang kanilang pangangailangan, ang BOC – Port of Subic ay pinalawak ang pagkakaloob ng tulong sa Pastolan Aeta community, na kilala sa kanilang mayamang cultural heritage and resilient spirit.

Nakalinya ang kanilang ‘vision of empowering communities’, ang Port of Subic ay matagumpay na naisagawa ang “Shoes for a cause” na adbokasiya sa pagbibigay ng ayuda sa lugar.

Ang Port of Subic ay nagpahayag din ng kanilang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta at nakibahagi sa nasabing matagumpay na community engagement initiative.

Ang pagsisikap na ito ay nakalinya sa social responsibility program ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio, na patuloy sa pakikipag-ugnayan sa komunidad bilang karagdagan sa mandato ng Bureau of Customs sa revenue collection, border protection and trade facilitation.

(BOY ANACTA)

49

Related posts

Leave a Comment