PILIPINAS PUNONG-ABALA SA GLOBAL POLICY FORUM

PUSPUSANG paghahanda ang ikinasa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan — kabilang ang Bureau of Customs (BOC) para sa inaabangang pagdalo ng mga banyagang delegado sa Global Policy Forum sa Setyembre ng kasalukuyang taon.

Kasama ang mga opisyales ng Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), partikular na tinalakay ni BOC-Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan ang mga paghahanda ng kanyang tanggapan sa Global Policy Forum kung saan itinulak ang ‘financial inclusion.’

Kabilang sa lumahok sa pulong na bahagi ng paghahanda ng Pilipinas sa naturang pagtitipon sina DOF Revenue Generation and Local Finance Group Undersecretary Dakila Napao at BSP Financial Inclusion Office (FIO) Director Ellen Joyce Suficienca.

Pangunahing adyenda ang papel na gagampanan ng BOC-Port of NAIA sa pag-aasikaso sa mga darating na dignitaryo, delegado at iba pang mga panauhin na makikibahagi sa pagbalangkas ng pandaigdigang polisiya sa aspeto ng ‘financial inclusion.’

Inaasahan ang pagdalo ng daan-daang delegado mula sa 75 bansang kasapi ng Alliance for Financial Inclusion — isang global network ng mga central banks at regulatory agencies.
Bukod sa mga delegado, nasa 60 VIPs ang inaasahang tutungo sa Pilipinas para sa nabanggit na summit.

206

Related posts

Leave a Comment