Sa immunization campaign para sa mga bata DOH SUPORTADO NG RED CROSS

TINIYAK ng Philippine Red Cross na suportado nila ang “Chikiting Ligtas,” o ang Measles-Rubella and Polio Supplementary Immunization campaign ng Department of Health (DOH) na sinimulan sa buong bansa mula Mayo 1 Hanggang 31,2023.

Ang programa ay inilunsad upang maiwasan ang pagsiklab ng tigdas, kasunod ng mas mababa sa inaasahang turnout sa nakaraang mga kampanya ng pagbabakuna, lalo na sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.

Layon ng kampanya na ibigay ang bakuna laban sa tigdas-rubella sa mga bata na siyam hanggang 59 na buwang gulang, at ang bakuna laban sa polio sa mga batang zero hanggang 59 na buwang gulang.

Noong 2021, sinuportahan din ng PRC ang mga programa sa pagbabakuna ng tigdas-rubella at polio ng DOH at nabakunahan ang 1,056,209 na bata laban sa polio at 193,241 na mga bata laban sa tigdas.

“We are proud to be part of this campaign to eliminate measles, rubella, and polio in the Philippines. As an organization that is committed to promoting health and well-being, we believe that the power of immunization cannot be overstated. It is a vital tool in protecting our communities and preventing the spread of diseases. I encourage everyone to work together and ensure that every person, especially the most vulnerable, has access to life-saving vaccines,” sabi ni PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon.

Sa koordinasyon ng local government at local health officers, nakatakdang pakilusin ng PRC ang kanilang vaccination team  sa 102 na mga chapter nito sa buong bansa upang suportahan ang kampanya ng DOH na alisin ang tigdas, rubella, at polio sa Pilipinas.

Ang PRC chapters ay makatutulong din sa bahagi ng komunikasyon at adbokasiya ng kampanya. Papakilusin ng PRC ang kanilang barangay-based RC 143 volunteers at hihikayatin ang mga doktor at nars na sumali sa mga vaccination team nito. Lahat ng bakuna ay kukunin sa DOH.

Ang PRC vaccination team ay sasanayin kapwa ng mga yunit ng lokal na pamahalaan at ng departamento ng Serbisyong Pangkalusugan ng PRC. (RENE CRISOSTOMO)

182

Related posts

Leave a Comment