PORT OF BATANGAS NAGSAGAWA NG “BAYANIHAN PROGRAM” PARA SA CANCER VICTIMS

BILANG pasasalamat sa buong taon na nakalipas (2023), nagsagawa ng isang gift-giving activity ang Port of Batangas sa pamamagitan ng “Ba­yanihan program” sa pakikipagtulungan ng Cancer Warrior Foundation, Inc. kamakailan.

Ang inisyatiba ay sa pamumuno ni District Collector Atty. Ma. Rhea M. Gregorio upang ipadama ang kanilang pagmamahal sa mga kabataan na may cancer.

Layunin ng grupo ni Collector Gregorio na ma­kita ang mga ngiti sa labi ng mga may sakit na cancer sa panahon ng Kapaskuhan.

Kaugnay nito, sa patnubay ni Commissioner Bien­venido Y. Rubio, ang Port of Batangas ay magpapatuloy sa kanilang pagsasagawa ng mga aktibidad na ang layunin ay makabuo ng positibong pananaw at mapalakas ang kapangyarihan sa kapaligiran sa komunidad.

Ang iba’t ibang collection district ng Bureau of Customs ay nagsasagawa ng ganitong mga aktibidad upang gampanan ang kanilang social responsibility sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangaila­ngan.

Kaugnay nito, inaasahan ng Bureau of Customs-Port of Batangas na magiging matagumpay ang kanilang pagharap sa mga bagong hamon sa pagpasok ng bagong taon (2024).

(BOY ANACTA)

183

Related posts

Leave a Comment