VAN NAHULOG SA BANGIN, 4 PATAY

ZAMBOANGA DEL NORTE – Patay ang apat na sakay ng isang Toyota Innova van matapos mahulog sa malalim na bangin sa Sitio Mauswagon, Barangay Gunyan sa bayan ng Siayan sa lalawigan.

Ayon sa Siayan Municipal Police, tatlong sakay ang dead on the spot habang ang isa ay pumanaw sa ospital, pawang mga residente ng Barangay Upper Landing, bayan ng Dumingag, Zamboanga del Sur ngunit naninirahan na sa Cebu.

Nakuhanan ng video ang pagkahulog ng sasakyan na galing umano sa outing.

Nakailang ikot ang sasakyan habang gumugulong pababa sa bangin.

Agad dinaluhan ng mga residente ang mga biktimang walang malay na

nakahandusay sa talahiban.

Ayon sa isa sa mga responder sa insidente, pahirapan ang pagresponde sa mga biktima dahil sobrang lalim ang bangin.

Aniya, tumilapon ang mga sakay mula sa nabasag na windshield habang pababa ang sasakyan.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, mabilis ang takbo ng van nang makaidlip at malingat ang driver habang tumatahak sa bulubundukin at kurbadang highway.

(NILOU DEL CARMEN)

62

Related posts

Leave a Comment