(Ni JOMAR OPERARIO)
Sa pamamagitan ng paggamit ng Customs Care Portal System (CCPS) at ng Document Tracking System (DTS), ay mabilis na ngayon ang proseso ng mga papeles ng stakeholders sa Bureau of Customs (BOC).
Magugunitang nitong nakalipas na Hunyo 17, 2019, sinimulang gamitin ang CCPS at DTS.
Ang CCPS ay isang web-based system na kung saan ang stakeholders ay dadalhin ang kanilang katanungan, kahilingan sa pamamagitan ng nasabing portal.
Bukod dito, nakapaloob din sa CCPS ay ang ticketing system na kung saan ang unique ticket number ay ibinibigay sa stakeholders para sa kanilang bawat pangangailangan.
Sa pamamagitan ng ticket number, ang stakeholders ay magiging madali ang kanilang track online sa kalagayan at progreso ng kanilang request.
Ang Customs personnel mula sa lahat ng BOC offices ay itinalaga para i-monitor at sagutin ang mga katanungan ng stakeholders.
Ang naturang sistema ay hindi lamang magbibigay ng ginhawa kundi magkakaroon na rin ng mas transparent environment sa stakeholders.
Gayunpaman, sa mga importers at Customs brokers na nais magpa-accredit ay kailangan lamang isumite ang mga requirements sa BOC online na gamit ang CCPS at hindi na kailangang magtungo sa Account Management Office para isumite ang kanilang documentary requirements.
Ang DTS ay magbibigay daan sa publiko para makita at ma-monitor ang kalagayan ng dokumento na natanggap ng bureau.
Dahil dito, hinikayat ang stakeholders na gamitin ang nasabing bagong inimplementang information system para maging madali ang kanilang transaksyon sa ahensya.
96