PUBLIKO BINALAAN NG BOC VS FAKE COVID-19 VACCINES

NAGBABALA ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko laban sa mga pekeng bakuna sa Covid-19 na smuggled at kumakalat ngayon sa merkado.

Sa inilabas na article ng Europol at ang  United States Department of Homeland Security binanggit na may malaking posibilidad na may organized crime groups na nagpapakalat ng mga pekeng COVID-19 vaccine sa merkado.

Nakatala rin sa nasabing article na may mga bansa sa kasalukuyan ang may crime groups na nagtangkang bentahan ang kanilang merkado ng fake influenza vaccines na kung saan ay napatunayan na pawang mga palsipikado.

Dahil dito, pinayuhan ng BOC ang publiko na manatiling magmatyag at i-report agad sa mga otoridad ang mga kahina-­hinalang smuggled at pekeng bakuna.

Ang BOC ay kinikilala ang kanilang vital role sa nakakakita at pagsamsam ng illegal vaccines sa bansa ng holistic border protection efforts ng gobyerno laban sa lahat ng uri ng smuggling.

Kasabay nito, nagbabala rin ang BOC sa publiko ng bakuna na ibibenta sa online na umanoy peke at makapagdudulot ng malaking problema sa kalusugan ng tao.
(Joel Amongo).

144

Related posts

Leave a Comment