PUBLIKO PINAG-IINGAT SA FAKE BOC FB ACCOUNTS, SCAM

NAGPALABAS muli ng babala ang Bureau of Customs – Port of Subic kaugnay sa nagpapanggap na mga empleyado ng ahensya gamit ang fake Facebook account para makapanloko ng mga biktima.

Ang unscrupulous individual ay kasalukuyang nag-o-operate ng isang mapanlinlang na Facebook account sa ilalim ng pangalang “Felicia Recarte” na nagpapanggap na isa siyang empleyado ng BOC Port of Subic.

Layunin nito na makapanloko at makahingi ng pera mula sa mga indibidwal na walang pag-aalinlangan.

Nilinaw naman ng pamunuan ng BOC Port of Subic na mahigpit silang sumusunod sa official communication channels at hindi gumagamit ng personal Facebook accounts para sa anomang official transactions o pakikipag-ugnayan sa publiko.

Para matiyak ang pagkalehitimo ng mga kasagutan sa kanilang mga katanungan, alalahanin o transaksyon, mangyaring makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng official email o contact sa kanilang Customer Care Center.

Kasabay nito, nangako sila na magbibigay ng tamang impormasyon at pambihirang serbisyo sa pinahahalagahang mga kliyente.

“Ang inyong pagbabantay at kooperasyon sa nasabing usapin ay lubos na pinahahalagahan, bilang nagtutulungan tayo para panatilihin ang seguridad at integridad ng mga operasyon sa Port of Subic,” pahayag pa sa babala mula sa ahensya.

(BOY ANACTA)

222

Related posts

Leave a Comment