Sa gitna ng Covid-19 pandemic BOC JANUARY 2021 COLLECTION TUMAAS PA NG P3.051-B

Ni JOEL O. AMONGO

Sa kabila ng pananalasa ng epekto ng coronavirus disease 2019 sa pangkalahatang trading environment, ang Bureau of Customs (BOC) ay nagawa pang makakolekta ng P47.143 billion laban sa kanilang P44.092 billion January 2021 collection target o lagpas ng P3.051 billion na may katumbas na 6.92% increase sa koleksyon.

Base sa preliminary report mula sa BOC-Financial Service, labing isa (11) mula sa labing pitong (17) collection districts ang nakalagpas sa kanilang January 2021 collection target.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng: Ports of Manila, NAIA, Batangas, Legazpi, Ilo-ilo, Tacloban, Cagayan De Oro, Zamboanga, Davao, Subic, at Clark.

Matatandaan noong 2020, ang bureau ay nakalagpas rin sa kanilang annual revenue collection target na 6.6% o katumbas ng P33.5 billion matapos na makakulekta ng halagang P539.7 billion laban sa kanilang P506.2 billion target.

Kaya, ang bureau ay nananatili na mapabuti ang mahusay nilang collection performance sa pamamagitan ng pinaigting na pagsisikap ng lahat ng ports.

Kasabay nito, ang pagpapabuti ng bilang ng importasyon, pati na rin ang pagsisikap ng gobyerno sa pagtitiyak na hindi maaabala ang galaw ng mga kalakal, habang minamantina ang border security at pagpapahusay ng kalakalan.

Kaugnay nito, pinuri naman ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagsisikap ng mga kalalakihan at kababaihan ng Bureau of Customs sa kabila ng panganib sa kanilang kalusugan at kaligtasan ay nagpakita pa rin sila sa kanilang pangako at dedikasyon sa serbisyo sa isinagawang executive committee meeting kamakailan.

63

Related posts

Leave a Comment