Para sa taong 2020 BOC NAKASABAT NG P10.629-B SMUGGLED GOODS

Aabot ng mahigit sa sampung bilyong pisong (P10.629B) halaga ng smuggled goods ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng kanilang kampanya para labanan ang smuggling at iba pang pandaraya sa duties and taxes sa Aduana.

Ang BOC ay nakapagtala ng kabuuang 997 na kanilang nasabat mula Enero 2020 hanggang Disyembre 2020 bilang resulta ng maigting na intelligence at enforcement operations pati na rin ang pagpapalakas ng examination at inspection sa mga pwerto sa buong bansa.

Kabilang sa mga nangu­nguna ay ang imported cigarettes at tobacco products sa listahan na nakapagtala ng 204 nasabat na mga kaso na may halagang P5.774 billion.

Sinundan nito ay ang P1.855 billion halaga ng illegal drugs na nasabat sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kasama rin ang mga pekeng kalakal na nagkahahalaga ng P1.056 billion na nakumpiska sa parehong taon.

Ang Bureau ay nakasabat rin ng P32.585 million halaga ng iba’t ibang klase ng un­-dec­lared foreign currencies.

Gayundin, ang BOC ay nakahuli ng iba’t ibang ‘smuggled personal protective equipment, medical supplies, and cosmetics’ na may tinatayang halagang P196.580 million.

Nakapagtala rin ang General merchandise ng halagang P406.377 million, vehicles at automobile accessories ng P356.532 million, at agricultural products na may halagang P284.622 million na walang mga kaukulang permits at clearances para sa taong 2020.

Ang iba pang kalakal na nasabat ay ang P236 million halaga ng foodstuff, P168.285 million halaga ng used clothing, P95.174 million halaga ng electronic products, at P66.433 million halaga ng wildlife & natural resources, steel products halagang P11.820 million, alcoholic beverages halagang P2.434 million, jewelry halagang P7.280 million, chemicals halagang P5 million, firearms halagang 303,000.00, at iba pang products na may halagang P73.949 million.

Maliban sa pare-parehong anti-smuggling operations, ang BOC ay pursigido sa kanilang pagsasampa ng mga kaukulang criminal charges laban sa walang prinsipyong importers at customs brokers.

Mula Enero 1 to Disyembre 31 noong nakaraang taon, 126 mga kaso ang nai-file, na binubuo ng pitumput apat (74) na mga criminal cases sa Department of Justice (DOJ), at limamput dalawang (52) administratibong kaso sa Professional Regulation Commission (PRC).

Noong 2020, may accredi­tation na 575 importers at 148 customs brokers ay ni-revoke para sa paglabag sa Customs laws at iba pang regulasyon na may kaugnayan sa mga umiiral na batas.

Karagdagan nito, ang BOC ay nakumpleto na ang inspection at investigation ng kabuuang 152 Customs Bonded Warehouses at 255 Members ng customs common bonded warehouses (CCBWs).

Ito ay resulta ng pagsasara ng 20 customs-bon­ded warehouses (CBWs) at 40 members ng CCBWs para sa iba’t ibang mga paglabag. (Joel O. Amongo)

60

Related posts

Leave a Comment