SEPT. 2023 COLLECTION TARGET NALAGPASAN NG BOC

NAKAPAGTALA ang Bureau of Customs (BOC) ng koleksyon na P79.225 bilyon sa duties at taxes na lagpas sa kanilang September 2023 goal na P76.445 bilyon, sa halagang P2.780 bilyon o 3.64%.

Ang BOC din ang nanguna sa revenue target mula Enero hanggang Setyembre 2023, sa kinitang P660.716 bilyon, na nakalagpas sa kanilang goal na P644.185 bilyon ng 2.57%, o P16.531 bilyon.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, naging epektibo ang customs operations, nagresulta sa mabilis na kalakalan, mahigpit na pagkolekta ng kita, na nagbigay-daan sa BOC sa kahanga-hangang pagpapatupad ng koleksyon.

Karagdagan dito, ang BOC kamakailan ay nakipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI), Strategic Trade Management Office (STMO), at ARISE Plus Philippines para isulong ang pamamaraan sa customs at pagbutihin ang pakikipagkumpitensiya sa kalakalan.

Sa iba pang makabuluhang hakbang patungo sa paninindigan na sundin ang batas, ang bureau ay naging matagumpay sa pagsasagawa ng 730 anti-smuggling operations na nagresulta sa pagkakasabat ng P35.963 billion smuggled goods.

Ito ay nagpapakita sa BOC sa pagtupad nito sa pangako na patindihin ang kanilang border protection at hadlangan ang bawal na mga aktibidad.

Ang naisagawang ito ng BOC ay sumasalamin sa kanilang dedikasyon na maisulong ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ang mga tagumpay na ito ay magbibigay ng pondo sa mahalagang mga programa ng pamahalaan at mga serbisyo na magbebenepisyo sa mga Pilipino.

(JOEL O. AMONGO)

50

Related posts

Leave a Comment