SUGATAN ang isa sa limang kawatan na nanloob sa Brgy. Bungad, Quezon City nitong Biyernes ng hapon nang manlaban ang may-ari ng pinasok nilang bahay. Duguan ang suspek na si Johh Soriano y Mara, 22-anyos, residente ng #77 P Gomez St., Brgy.
Bagong Bario, Caloocan City, nang datnan ng mga rumespondeng pulis at agad isinugod sa Quezon City General Hospital.
Nagawa namang makatakas ng lima pa nitong kasamahan.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District, ala-1:37 ng hapon nitong Biyernes nang looban ng mga suspek ang bahay ng biktimang si Jose Leonido y Munoz, 54, sa #20 Moore St., Brgy. Bungad ng nabanggit na lungsod.
Tinutukan ng baril ng mga suspek ang mga naninirahan sa nabanggit na bahay at makaraang makuha ang hindi pa nabatid na halaga ng pera ay mabilis na lumabas.
Gayunman, hindi nasiraan ng loob ang biktima, kinuha nito ang kanyang baril, hinabol ang mga suspek at pinaputukan. Dito na nasapol ng bala si Soriano kaya iniwan ito ng mga kasama.
