ITALIAN FUGITIVE HULI SA BI

PAMPANGA – Arestado sa mga tauhan ng Bureau of Immigration-Angeles Field Office noong Lunes, ang isang Italyano na wanted sa kanilang bansa.

Kinilala ng BI operatives ang suspek na si Ivaldi Antonello, 51-anyos, nahuli matapos magtangkang i-extend ang kanyang visa sa BI Angeles Field Office.

Ayon kay Alien Control Officer Mark Leslie Gonzales, si Antonello ay nag-submit ng kanyang passport para i-extend ang kanyang tourist visa ngunit nadiskubre ng BI personnel na ito ay kabilang sa ‘active watchlist’ dahil sa pagiging pugante sa batas sa kanilang bansa.

“He has been in the country since 2019, under a tourist visa,” pagbabahagi ni Gonzales. “Once we saw his record, we immediately coordinated with the BI’s Fugitive Search Unit (FSU) to effect his arrest,” ani Gonzales.

Ayon sa report kay BI Commissioner Jaime Morente ni BI FSU Chief Bobby Raquepo, sa pamamagitan ng tulong ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group-Angeles City Field Unit, ay naaresto si Antonello.

Ayon naman kay Morente, ang pananatili ni Antonello sa bansa ay naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng publiko. “We received official communication from Italian authorities requesting assistance in locating him”.

Ang nasabing suspek ay inisyuhan ng warrant of arrest ng Prosecutor’s Office ng Appeal Court of Trieste sa Italy noong Hunyo 2019 para sa kasong aggravated rape and sexual assault against minors.

Ang suspek ay pakay rin ng Interpol notice dahil sa naturang krimen.

Si Antonello ay ililipat sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig sa sandaling lumabas na negatibo ito sa COVID-19 swab test results, bilang pagsunod sa standard protocols. (JOEL O. AMONGO)

218

Related posts

Leave a Comment