ITINAPONG BASURA SA PINAS, BALIK-CANADA NA

BASURA NG CANADA

(Ni JOEL O. AMONGO)

Ibabalik na ngayong araw sa Canada ang 69 containers na naglalaman ng ba­sura matapos magkasundo ang Canadian government at ang Pilipinas.

Sa report ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero kay Finance Secretary Carlos Dominguez, sinabi nito na inayos nila ang mga kinakailangan sa parte ng Philippine government para sa reexport ng mga  basura na pagbabalik sa Canada.

Ayon kay Guerrero, ang pagbabalik ng containers  ng basura ay bunga na rin ng sunud-sunod na pag-uusap mula Abril 30 hanggang Mayo 6 sa pagitan ng Philippine Inter-Agency Committee (IAC) at kinatawan mula sa Canadian government kasama ng isinagawang inspection sa mga kinalalagyan ng mga containers sa Manila International Container Port (MICP) at sa Port of Subic.

Ang nasabing hakbang ay bilang tugon na rin umano sa kautusan ni Finance Secretary Dominguez na ilabas na sa Pilipinas ngayong araw (Mayo 15) ang natu­rang containers ng basura.

“The Philippine government, through the IAC, is now ready with the necessary documentary requirements to facilitate the reexport, while the shipping lines tasked to transport the wastes have already conducted a seaworthiness check on the containers and have made the necessary preparations to ensure that all of them will be returned to Canada. However, despite the Philippine government’s readiness to reexport the wastes, the Canadian government informed that it might take weeks for them to arrange the necessary documents from their end and that they might not meet the May 15 deadline,” ayon pa sa ulat ni Guerrero kay Dominguez.

Sinabi pa  ni Guerrero na  binayaran na ng Canada ang mga dokumentong may kinalaman sa  import permits at  bidding ng fumigation services para sa nasabing mga containers.

Ang 69 container vans ay bahagi ng 103 container vans ng basura mula sa Canada na itinapon sa  Ports of Subic at Manila noong 2013 at 2014  habang ang 34 containers ay naitapon na.

Napag-alaman na nasampahan ng kaukulang kaso ang importer, broker at iba pang katao na may kinalaman sa pagpasok sa Pilipinas ng nabanggit na containers ng mga basura.

Sa sulat na ipinadala ni Canada’s Assistant Deputy Minister for Global Affairs Donald Bobiash at Associate Assistant Deputy Minister Helen Ryan kay DENR Undersecretary Juan Miguel Cuna noong nakaraang Abril 24, kinumpirma ng pamahalaan ng Canada  ang pangakong kanilang  sasagutin ang anumang gastusin sa pagbabalik ng basura sa kanilang bansa.

“To do so, we will work with the Philippine government to arrange for the necessary transfer of ownership of the materials in the 69 containers to Canada, so that arrangements can be made for their return to Ca­nada,” dagdag pa sa sulat.

SUMBUNGANSinabi pa ni Guerrero, matapos ang sunud-sunod na inspection ng Philippines at Canadian officials ng nasabing containers ng basura noong nakaraang Abril 30 na pinangunahan ni DENR Secretary Roy Cimatu ay agad  na natugunan  ang mabilisang pagbabalik ng mga basura sa Canada.

Napagkasunduan din  na ang  pagbabalik ng containers ng mga basura sa Canada ay sa pamamagitan ng batches dahil na rin sa pahirapan ng shipping na magdadala nito.

455

Related posts

Leave a Comment