JV EJERCITO, SASABAK MULI SA SENATORIAL ELECTIONS

BAGAMA’T problema sa pondo at sa posibleng muling paghaharap nila ng kapatid, kinumpirma ni dating Senador JV Ejercito na sasabak siya sa 2022 Senatorial elections.

Sa virtual press conference sa Senate Media, idineklara ni Ejercito ang kanyang senatorial bid at nangakong itutuloy ang kanyang adbokasiya para sa pagsusulong ng Universal Health Care at infrastructure development sa bansa.

Sinabi ni Ejercito na gagamitin pa rin niya ang kanyang 2019 campaign slogan na “The Good One” at ipagmamalaki ang kanyang track record.

Noong 2019 elections, nabigo si Ejercito na makapasok sa Magic 12, gayundin ang kanyang half-brother na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Kinumpirma rin in Ejercito na kinonsulta na niya ang amang si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa kanyang senatorial bid.

Iginiit ni Ejercito na ipinaubaya na ni Erap sa kanilang magkapatid ang desisyon kung sasabak muli sa halalan. (DANG SAMSON-GARCIA)

157

Related posts

Leave a Comment