KABATAAN BABAKUNAHAN NA SA OKTUBRE

TARGET ng National Task Force against COVID-19 (NTF) na palawigin na ang vaccination program ng bansa sa darating na Oktubre para sa general public at mga kabataan na may comorbidities.
Sinabi ni NTF chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na naghahanda na ang pamahalaan para sa pagpapalawak ng vaccine rollout sa ibang sektor ng lipunan.

“Kasi mataas na po ang vaccination dito sa Metro Manila, ang ginagawa po natin ay nagkaroon na po tayo ng equitable distribution based doon sa unvaccinated population,” ayon kay Galvez, siya ring vaccine czar ng bansa.

Aniya, bukas na naman sa buong bansa ang pagtuturok ng COVID-19 jabs sa mga healthcare worker (A1), senior citizens (A2), persons with comorbidities (A3), essential workers (A4), at indigent sector (A5).

“Nagkaroon na po kami ng pronouncement na lahat po ng bayan at saka probinsya ay pwede na pong mag-accelerate ng kanilang targeted population from A1 to A5 and we are proposing by October mag-general population na po tayo,” anito.

Aniya, maaaring magkaroon ng sapat na suplay ng bakuna ang bansa sa susunod na buwan.

Samantala, tiniyak din ni Galvez ang pantay-pantay na distribusyon ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang rehiyon at lalawigan sa bansa.

“The government’s primary consideration in the vaccine deployment is based on the areas’ number of unvaccinated individuals from their target eligible population for the COVID-19 vaccination program,” ani Galvez. (CHRISTIAN DALE)

99

Related posts

Leave a Comment