BULACAN – Tinatayang mahigit sa P700 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group at Special Operation Unit sa dalawang arestadong suspek kabilang ang isang Chinese national, sa isang sa subdibisyon sa Brgy. Bulihan sa bayan ng Plaridel sa lalawigan noong Sabado ng gabi, Hunyo 28.
Ayon sa inisyal na report na tinanggap ni Acting PNP Provincial Director PCol. Angel Garcillano, kinilala ang arestadong mga suspek na sina Chen Liang Teng, 55, residente sa naturang barangay, at isang alyas “Ryan”, 40-anyos, ng Pasig City.
Base sa imbestigasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang higit 100 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P700 milyon,
bukod pa rito ang ‘di pa matukoy halaga ng hinihinalang cocaine.
Bandang alas-7:30 ng gabi noong Hunyo 28 nang masukol ang dalawa sa isang bahay nang magpanggap na buyer ang isa sa mga tauhan ng PNP DEG.
Ayon sa pulisya, posibleng ang nakumpiskang ilegal na droga ay konektado sa mga shabu na lumutang sa karagatang sakop ng Zambales at Ilocos Region.
(ELOISA SILVERIO)
199 