BILANG NG NAGUGUTOM NA PINOY TUMAAS

BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga Filipino na nakaranas ng gutom o involuntary hunger, ayon sa ginawang pag aaral ng Social Weather Station nitong nakalipas na tatlong buwan kung saan lumilitaw na may 20 porsyento ng populasyon ay minsang naranasan na walang makain.

Ayon sa SWS, sa pag-aaral na isinagawa nila hinggil sa kagutuman nitong huling linggo ng Abril 2025, tumaas ng 20 bahagdan ang bilang ng nagugutom na Pinoy, at 16.4 percent nito ang nagsasabing nakaranas sila ng moderate hunger, habang 3.6 percent ang dumanas ng labis ng kagutuman.

Kaugnay sa nasabing pag-aaral hinggil sa kagutuman sa bansa nitong April 23 hanggang 28 survey, lumilitaw rin na kalahati ng populasyon o 50 percent ng mga Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap.

“Moderate Hunger refers to those who experienced hunger ‘only once’ or ‘a few times’ in the last three months, while Severe Hunger refers to those who experienced it ‘often’ or ‘always’ in the previous three months,” paliwanag ng SWS.

Mas mataas ang bilang ng mga pamilyang nakaranas ng gutom sa Mindanao, na may 26.3 percent, sumunod ang Metro Manila na may 20.3 percent, habang sa Visayas naman ay 19.7 percent, at ang tinaguriang Balance Luzon—or areas outside Metro Manila—ay 17 percent.

Ang nasabing resulta ng pag-aaral ay halos isang porsyento (0.9 %) mas mataas kumpara sa SWS survey na ginawa sa ikalawang linggo ng Abril ng kasalukuyan ding taon o 19.1 percent.

“The 0.9-point increase in hunger between April 11 to 15, 2,025, and April 23 to 28, 2025, ay dahil sa pinagsama na naitalang pagbaba sa Metro Manila at Balance Luzon, habang tumaas naman sa Mindanao at Visayas,” ayon pa sa SWS report.

“Compared to April 11 to 15, 2025, the incidence of hunger fell by 5.7 points from 26.0 percent in Metro Manila, and by 3.5 points from 20.5 percent in Balance Luzon. However, it rose by 9.0 points from 17.3 percent in Mindanao, and by 5.4 points from 14.3 percent in the Visayas.”

Sa SWS survey hinggil sa kahirapan, walong porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang sila ay kabilang sa masasabing nasa “Borderline” o nasa pagitan ng poor and not poor, habang 42 percent ang nagsasabing hindi sila mahirap.

(JESSE KABEL RUIZ)

117

Related posts

Leave a Comment