HIGH-IMPACT MARIJUANA ERADICATION OPERATION ISINAGAWA SA KALINGA

TUGUEGARAO CITY – Matagumpay na naisagawa ng mga awtoridad ang large-scale marijuana eradication sa cultivation site sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Ang high-impact operation ay isinagawa noong Hunyo 27, 2025, mula alas-4:30 ng umaga hanggang alas-11:25 ng gabi, sa pangunguna ng PDEA Region 2 Cagayan Provincial Office.

Kasama sa nasabing operasyon bilang supporting units ang PDEA CAR-Kalinga Provincial Office, Philippine National Police Drug Enforcement Group-Special Operations Unit CAR, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan Municipal Police Station, at Regional Mobile Force Battalion 2.

Winasak ang MOL 34,500 pieces ng fully grown marijuana plants na nakatanim sa tinatayang 2,300 square meters na lupain.

Tinatayang umabot sa P6,900,000 ang halaga ng winasak na marijuana.

Samantala, binigyang diin ng PDEA Regional Director na ang tagumpay ng anti-drug operations ay nakadepende hindi lamang sa dedikasyon ng law enforcement agencies kundi maging sa aktibong pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Ang nasabing collaborative approach ay mahalaga para mapanatili ang momentum sa laban kontra ilegal na droga at para matiyak ang higit na ligtas na mga komunidad sa rehiyon.

(DANNY QUERUBIN)

82

Related posts

Leave a Comment