Kahit nariyan pa ang covid – Malakanyang 2021, YEAR OF RECOVERY

TINIYAK ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang taong 2021 ay magiging year of recovery.

Ito’y sa kabila na tuluy-tuloy pa rin ang mga problema sa COVID-19 lalo pa’t may bagong variant nito at wala pa rin naman talagang bakuna on-hand sa Pilipinas.

“Well, kaya nga po tayo nagbubukas nang bahagya ng ating ekonomiya dahil alam natin na hanggang walang hanapbuhay ang ating mga kababayan ay patuloy na magiging malaganap ang pagkagutom,” ani Sec. Roque.

Kaya ang kanyang pakiusap sa publiko ay pag-ingatan ang mga buhay nang makapaghanapbuhay dahil kung wala aniyang hanapbuhay ay magugutom ang lahat.

Siniguro rin ni Sec. Roque na ang taong 2021 ay hindi extension ng 2020 kung saan ay maraming nangyari na hindi inaasahan.

“I think we have seen the worst and I think the entire government machinery agrees with this ‘no. Alam na po natin ang anyo nitong kalaban nating COVID-19 at hindi naman po matatapos ang taon nang hindi natin mababakunahan ang 50 to 70 million ng ating mga kababayan. Inaasahan nga po natin na kung makamit natin iyong 70% na pagbabakuna eh magkakaroon ng herd immunity,” anito.  (CHRISTIAN DALE)

139

Related posts

Leave a Comment