Kahit walang cash advance sa Western companies PINAS MANANATILI SA GAVI VACCINE ALLIANCE

MANANATILING miyembro ng Gavi Covax VaccinE Alliance ang Pilipinas sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi ito magbibigay ng cash advance sa Western countries para lamang makasiguro ang bansa na makakukuha ng madidiskubreng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ipinahihiwatig lamang ng pahayag na ito ng Pangulo kung bakit humihingi na ang Western companies ng reservation fee gayong isinasailalim pa sa clinical trial ang mga dinidiskubreng covid vaccine.

Hindi aniya maunawaan ng Punong Ehekutibo kung bakit maagang humihingi ng bayad ang ilang Western countries gayung wala naman aniyang hinihinging ganito ang bansang Tsina at Russia.

Sa katunayan pa nga aniya ay maari pang utangin ng Pilipinas sa Russia at China ang covid vaccine na kukunin sa kanila ng Philippine government. (CHRISTIAN DALE)

118

Related posts

Leave a Comment