KALAHATI NG P19-B BUDGET NG NTF-ELCAC, ILAGAY SA CALAMITY FUND

DAPAT lamang na dagdagan ang calamity fund ng mga lokal na pamahalaan sa gitna ng pananalasa ng nagdaaang mga bagyo at patuloy pang pagharap sa laban kontra COVID-19.

Ito ang binigyang-diin ni Senate Majority Leader Migz Zubiri subalit tutol na ilaan ang buong P19 bilyon na proposed fund para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Nakita ko pangangailangan ng mga kababayan natin, if there is funding for rehabilitation, welcome ‘yan sa akin pero di naman buong halaga dahil may barangays din na nangangailangan ng development para kontrahin ang insurgency sa kanilang lugar,” paliwanag ni Zubiri.

“Hatiin siguro natin gawan natin ng paraan, wag naman lahat. Long term ang kailangan natin,” diin pa nito.

Sa bawat lalawigan anya ay may iba’t ibang pangangailangan dahil magkakaiba ang naging pananalasa ng mga bagyo.

“Iba-iba ang problema. Sa Catanduanes ang tumama sa kanila hangin, dapat isipin paano maging typhoon resilient ang mga istraktura dapat matitibay that will stand 300kph winds. Sa Albay, ang hinihiling ng mayors tulungan sila sa infra but most of the problem ay flooding dahil ang tubig galing sa Mayon…So we need to prepare system of dikes para malihis ang lahar,” paliwanag ng senador. (DANG SAMSON-GARCIA)

152

Related posts

Leave a Comment