MATAGAL nang gawain ng mga mambabatas, hindi lamang sa Kamara kundi sa Senado na bumoboto sila sa isang panukalang batas na hindi nila lubos na nauunawaan o kaya pinag-aaralan.
Sa kalakaran sa kongreso, maraming mambabatas ang hindi talaga naghahain ng panukalang batas na kapaki-pakinabang sa sambayanang Filipino dahil karamihan sa kanila ay local bills o ang kanilang distrito lang ang makikinabang.
Karaniwan sa local bills na ihinahain ng mambabatas ay palitan ang pangalan ng highway sa kanilang distrito, palitan ang pangalan ng mga eskuwelahan sa kanilang distrito, magtatayo ng national office sa kanilang distrito tulad ng Land Transportation Office (LTO) at kung ano-ano pa na ang makikinabang ay ang kanilang constituents.
Mangilan-ngilan lang talaga ang maghahain ng isang panukala na national ang scope o buong bansa ang makikinabang pero magtataka ka, bakit ang daming nailistang author kapag naging batas na at naging popular.
Ganito kasi yan… kapag may isang congressman ang nakaisip ng isang magandang panukala, ipapatrabaho niya sa kanyang mga staff para bumuo ng proposed bill para ihain sa Bills and Index Division.
Pero bago maihain ang panukala, ipapakita niya muna ito sa kanyang mga kasamahang kongresista ang draft bill para alukin kung gusto ba niyang maging co-author.
Layon nito na paramihin ang author ng kanyang panukala, Kapag mas maraming author kasi, mas may tsansa na mapansin ng House Rules Committee para bigyan ng prayoridad.
Aminin man o hindi ng mga mambabatas, marami silang nilalagdaang panukala na ti natayuan nila bilang co-authorship ang hindi nila nababasa ng buong-buo bago lagdaan dahil hindi sila ang tunay na may akda sa panukalang ito.
Kung baga, half cook ang kanilang kaalaman sa panukalang naging co-author sila dahil buod lang ng panukala ang ibinibigay sa kanila at hindi ang buong-buong draft bill.
May pagkakataon din kapag dinidinig ng na komite kung saan ine-refer ang panukala, at nagustuhan ng mga mambabatas, magmomosyon lang sila sa committee hearing na gusto nilang maging co-author.
Dahil sa sistemang iyan, biglang dumarami ang co-author ng panukala gayung isang mambabatas lang naman ang nagsunog ng kilay para mabuo ang kanilang naisip ng batas na gustong maipasa.
Kapag popular na ang isang panukala, naipasa na at naging batas, lahat sila ay ipinagyayabang na sila ay may-akda kahit pinakiusapan lang silang ma ging co-author. Kung baga, credit grabbing na ang nangyayari.
Isinasama na nila yan sa kanilang mga achievement bilang isang mambabatas kahit hindi talaga sila ang nag-isip ng panukala at ipagmamalaki nila sa kanilang mga constituent. Pogi point nga naman.
Pero walang umaamin sa kanila na kasama sila sa mga co-author kapag naging unpopular ang panukala. Yan ang karaniwang nangyayari sa Kamara at maging sa Senado rin.
Etong pag-atrasan ng mga mambabatas sa anti-terror bill, hindi ko na ipinagtaka dahil na ging unpopular. Naitatanong tuloy ng mamamayang Filipino, binabasa ba o nauunawan ba talaga ng mga mambabatas ang batas na inaaprubahan nila?
