Kapag wala nang pasilidad para sa doctors, nurses GOV’T TAKEOVER SA MGA HOTEL

(CHRISTIAN DALE)

MAY kapangyarihan ang pamahalaan na mag-takeover sa mga hotel at motel para magamit ito bilang pasilidad para sa COVID-19 patients.

Nauna nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na ipinag-utos na nila sa mga ospital na magreserba ng hotel rooms na maaaring paglagyan agad ng mga doktor at nurse na nagpositibo sa COVID-19.

“Government can expropriate ‘yong mga hotels, motels, whatever kung kulang ang — ang mga halfway houses natin ‘yong naghihintay. So we kind of have the power. The government has the power to just expropriate. Puntahan na lang at sabihin gagamitin,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

Ayon naman kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. sa pamamagitan ng utos ni Pangulog Duterte sa PhilHealth na bayaran na ang valid claims ng mga ospital ay maitataas na ang health care capacity ng mga ospital.

“Iyong pagbayad po ng PhilHealth ng more or less P9.577 billion for NCR, Region IV, at saka Region III, ay nangako po sila na mage-expand po sila ng kanilang mga ICU beds. At nangako po sila na mage-expand sila ng 164 po na ICU beds at mago-open po sila ng mga additional wards and beds na humigit-kumulang po na 1,157 beds for moderate and severe case,” ayon kay Galvez.

Sinabi pa nito na sa kanyang tantiya ay dapat nasa 2,000 ang ICU beds ng bansa para sa severe at critical cases, pero ngayon nasa 1,395 lang ito.

Tumutulong naman aniya ang mga LGU para makapagdagdag pa ng mga kama sa mga ospital.

“At ito po ay nangako rin po sila na ‘yong mga city ng Quezon, Taguig, Caloocan, Manila, Pasay, Valenzuela, San Juan, Navotas, Parañaque at Makati . . . Na magkakaroon po sila ng additional 30 ICU beds para sa ating mga critical patients. And also additional 1,350 regular COVID beds for moderate, mild and asymptomatic,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ng punong ehekutibo sa mga ahensya ng gobyerno na huwag magtipid kung ang paglalaanan ng pondo ay para sa COVID-19 response.

Giit ng pangulo, handa siyang suportahan ang anomang gagastusin ng gobyerno basta legal ito at dumaan sa tamang proseso.

“Hindi ito panahon sa tipid. Ilarga mo lahat ‘yan kailangan ng tao. Maski hindi pa kailangan ilagay mo lang diyan tutal aabot rin ‘yan,” diing pahayag ng chief executive.

Samantala, pinatitingnan naman ni Pangulong Duterte kung maaaring dagdagan pa ang modular beds para makatulong sa punuan na mga ospital.

98

Related posts

Leave a Comment