KARAPATAN SA PAGBOTO

At Your Service ni KA FRANCIS

MAHALAGA sa mga Pilipino na mabigyan ng pagkakataon na makaboto ngayong darating na 2025 Midterm Election.

Bakit kamo? Sa tuwing election lang kasi magkapantay-pantay ang mahihirap at negosyante.

Ang karapatan na ito ay walang makakaagaw dahil tayo mismo ang pipili ng kandidato na ating iboboto.

Kaya dapat hindi palagpasin ng ating kababayang overseas Filipino worker ang muling pagboto ngayong Mayo 12, 2025 para sa midterm election.

Ang mga OFW ay nabigyan ng pagkakataon na makaboto online dahil ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang Online Voting and Counting System o (OVCS).

Maaari na silang bumoto kahit nasa loob lamang sila ng kanilang bahay o pinagtatrabahuan.

Kailangan makapag-enroll muna ang mga Pinoy worker na nakatira at nagtatrabaho sa ibang bansa para magamit ang OVCS o Online Voting and Counting System upang makasali sa pagpili ng susunod na mga senador at party-lists at masiguro ang pagkapanalo ng tunay na kinatawan ng overseas Filipinos.

Ang mga OFW ay tinawag na ‘Bagong Bayani ng Bayan’ dahil sa laki ng kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa.

Sa laki ng pinadadalang pera ng OFWs sa kanilang mga kaanak ay malaki rin ang pumapasok sa kaban ng bayan.

Hindi lang sa kanilang pamilya sila mahalaga kundi sa gobyerno kaya sila tinawag na ‘Bagong Bayani ng Bayan.’

Kaya dapat lang mabigyan ng pagkakataon na makaboto sila.

Kung nakatutulong sila sa gobyerno dapat magkaroon sila ng proteksyon mula sa pamahalaan.

Kaya mahalaga na makaboto sila at makapili ng party-list na kakatawan sa kanila sa Kongreso.

Kinakailangang magkaroon sila ng kakamping politiko para magkaroon ng matibay na batas para maprotektahan sila habang nagtatrabaho sa ibang bansa.

At maprotektahan din ang mga anak ng OFWs at mabigyan ng scholarship para may kinabukasan sila.

oOo

Para sa inyong katanungan, maaari po kayong tumawag o mag-text sa cell# 0917-861-0106.

5

Related posts

Leave a Comment