RAPIDO ni PATRICK TULFO
NATAPOS na ang paglalabas ng inabandonang balikbayan boxes sa Bureau of Customs, ito ang inanunsiyo ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno.
Pero marami pa rin kaming natatanggap na mga reklamo na hindi pa natatanggap ng kanilang pamilya ang kanilang mga padala.
Sa kaso po ng Tag Cargo, ayon po kay Anthony Eugenio, isa sa mga opisyal ng LOGO cargo, mayroon pang 306 na kahon ang hawak nila, 17 na kahon dito ay hindi malaman kung sino ang may-ari dahil lasug-lasog na ang mga ito pagbukas nila ng mga container na kinalalagyan nito.
Marami rin ang walang contact numbers o ‘di kaya ay wala na sa address na nakalagay sa kahon, ang tatanggap ng mga ito.
Ayon kay Eugenio, nagsumite na sila ng listahan sa Bureau of Customs ukol dito, kaakibat ng liham kung ano ang gagawin sa mga ito. Ayon daw sa BOC ay kanilang kukunin ang mga kahon.
Meron din pong listahan na galing sa Tri-Star Cargo at amin pong inilagay sa aming website na patricktulfo.com, matagal na.
Kung wala po ang pangalan ninyo sa naturang mga listahan ay malamang wala po sa 25 Tag Cargo containers ang inyong padala.
Inaalam pa po namin kung totoo na may hawak na kahon mula Tag Cargo, ang Jezzan Cargo sa Cebu.
Samantala, nakikipag-ugnayan naman kami sa L98 Cargo ukol naman sa mga tanong na may kinalaman sa delivery ng mga kahon ng Makati Express Cargo.
Dahil majority po ng mga container ng Makati Express Cargo ay napunta sa kanila at kakaunti lang ang napunta sa LOGO Cargo at natapos na ang delivery ng mga ito, ayon sa LOGO.
Kami po ay patuloy na magpapa-follow-up sa mga kinauukulan hinggil sa mga reklamo ninyo sa mga hindi pa naide-deliver na mga kahon.
65 