Kasama iba pang PDP bets EX-ES RODRIGUEZ INENDORSO NI POLONG SA SENADO

HINILING ni Davao First District Congressman Paolo “Polong” Duterte sa kanyang mga tagasuporta na iboto ang lahat ng 10 senatorial candidate ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na kinabibilangan ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.

Ginawa ng mambabatas ang panawagan sa sorpresang pagdalo nito sa Hugpong sa Tawong Lungsod (HTL) campaign rally sa Royal Valley, Bangkal, Barangay Talomo Proper, Davao City kamakalawa para itulak ang kanyang reelection bid.

Bukod kay Rodriguez, kabilang sa 10 kandidato ng PDP-Laban sina Rodante Marcoleta, Sens. Bong Go at Ronald “Bato” dela Rosa, Jimmy Bondoc, Raul Lambino, Apollo Quiboloy, Philip Salvador, Jayvee Hinlo at Richard Mata.

Inihayag din ng mambabatas na kumpleto na ang 12 senatorial line-up ng partido matapos isama sa inendorso sina dating senador Gregorio Honasan at dating Colonel Ariel Querubin.

Ang mambabatas na unang humingi ng travel authority sa Kamara dahil bibiyahe ito sa 17 bansa hanggang Mayo 10, 2025 ay sorpresang dumating sa nasabing rally kung saan sinabi nito na kung hindi puwersahang dinala sa The Hague, Netherlands ang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte ay hindi ito aalis ng bansa lalo na sa Davao City.

“Thank you so much for your support, and tell them that I’m just here on Earth, not on Mars. Everything they said against me—I can hear it, and I’ll respond in time,” banggit ni Duterte sa kanilang local dialect.

Kinastigo rin nito ang kanyang kalaban sa congressional race sa unang distrito ng Davao City matapos ikalat na isinara umano nito ang kanyang tanggapan subalit hindi sinabi na tuwing Sabado at Linggo lamang ito at bukas pa rin mula Lunes hanggang Biyernes.

(PRIMITIVO MAKILING)

45

Related posts

Leave a Comment