KASO NG COVID-19 PUMALO NA SA HIGIT 6K

UMAKYAT na sa mahigit 6,000 ang naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa ulat mula sa Department of Health (DOH), as of 4:00 ng hapon ngayong Sabado ay nakapagtala pa sila ng 209 bagong kaso ng sakit, sanhi upang lumobo na sa 6,087 ang bilang ng confirmed COVID-19 patients sa bansa.

Nadagdagan naman ng 10 ang bilang ng mga namatay kaya umakyat ito sa kabuuang 397 ngayon.

Mayroon namang 29 na nadagdag sa recoveries kaya 516 na ang pasyenteng nakarekober mula sa karamdaman. D. ANIN

171

Related posts

Leave a Comment