UMAKYAT na sa tatlo ang positibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Batangas.
Sabado ng umaga ay inanunsyo ng Public information Office (PIO) ng Batangas ang ikatlong kaso na isang babaeng OFW na nagmula sa bayan ng Lemery.
Ayon pa sa Batangas PIO, naka-confine ang pasyente sa isolation room ng Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa City.
Kinumpirma rin ni Lemery Mayor Larry Alilio na mula sa isa nilang barangay ang 62-anyos na OFW na nagpositibo.
Samantala, sinabi rin ng Batangas PIO na ang dalawang naunang kaso ng virus sa Batangas ay magkapatid na senior citizen na taga-Batangas City, na parehong naka-confine ngayon sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City. NILOU DEL CARMEN
214 