KINUMPIRMA ng pamunuan ng Philippine Air Force na nagsagawa ng emergency landing ang isang Philippine Air Force S-70i Black Hawk helicopter noong Miyerkoles, sa isang palayan sa Barangay Panian, Saint Bernard, Southern Leyte.
Ayon sa inilabas na statement ni PAF spokesperson, Col. Ma Christina Basco, “The Philippine Air Force (PAF) confirms that one of its S-70i Black Hawk helicopters conducted a precautionary landing in St. Bernard, Southern Leyte on November 5, 2025, after experiencing fluctuating temperature readings on one of its engine while conducting Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) operations.”
Ligtas naman ang mga sakay ng nasabing air force chopper na may body No. 753, matapos respondehan ng Saint Bernard Municipal Police Station.
Paliwanag ng PAF, ang S-70i Black Hawk, na isang twin-engine helicopter, ay idinisenyo para ligtas na makalapag sa lupa kahit isang makina na lang ang gumagana at sinunod din ng mga piloto ang standard procedures para matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Ayon sa piloto, ang engine malfunction ay nangangailangan ng emergency landing. Nabatid na ibinaba ang choppers malayo sa mga kabahayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente malapit emergency landing site.
Ang helicopter, na nagmula sa Tactical Operations Group-8 na nakabase sa Tacloban City, ay patungo sa Saint Bernard upang magsagawa ng aerial assessment at bisitahin ang mga lugar na apektado ng Bagyong “Tino.”
Sinabi ng mga awtoridad, walang nasugatan o nasawi sa insidente.
Kasalukuyang isinasagawa ang pagsisiyasat upang matukoy ang eksaktong dahilan ng malfunction at ipagkaloob ang mga kinakailangan.
Una rito ay isang PAF Super Huey chopper ang bumagsak sa Agusan del Sur matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino.
(JESSE RUIZ)
84
