KATOTOHANAN, ‘DI KASINUNGALINGAN MAGPAPALAYA SA ATIN– SY-ALVARADO

“GAWA, hindi salita; at katotohanan, hindi kasinungalingan ang magpapalaya sa atin.”

Ito ang sagot ni dating Bulacan Governor Wilhelmino “Willy” Manucdoc Sy-Alvarado sa mga kalaban sa pulitika na nagpapakalat na hindi siya nakikita ng mga residente sa kanilang lalawigan.

Katunayan aniya, lagi siyang may nakahandang tsinelas para ano mang oras, may putik man o wala, mapupuntahan niya ang mga kababayan niyang nangangailangan ng dagliang tulong.

Binubuo ang Bulacan ng mga bayan ng Sta. Maria, San Rafael, San Miguel, San Ildefonso, Pulilan, Plaridel, Paombong, Pandi, Obando, Norzagaray, Angat, Balagtas, Baliuag, Bocaue, Bulakan,

Bustos, Calumpit, Doña Remedios Trinidad, Guiguinto, Hagonoy, Marilao, Meycauayan, at dalawang siyudad na San Jose del Monte at Malolos.

At kabisado ni Sy-Alvarado ang bawat sulok ng lalawigan dahil naging Mayor siya sa Hagonoy noong 1986 hanggang 1998; Congressman ng 1st District ng Bulacan mula 1998 hanggang 2007; Vice Governor noong 2007 hanggang 2010; Governor noong 2010 hanggang 2019; Vice Governor mula 2019 hanggang 2022; at ngayon ay muli siyang kumakandidato bilang Governor ng Bulacan.

Hitik sa kasaysayan ang lalawigan, mula sa maraming bayani na nagbuwis ng buhay para sa bansa, hanggang sa mga ipinagmamalaki nating historical sites. Sa Barangay ng Taliptip at Bambang sa bayan ng Bulakan naman matatagpuan ang itinatayong pinakamalaki at modernongng New Manila International Airport (NMIA) na may lawak na 2,500 ektarya ng San Miguel Corporation (SMC).

Dahil sa konstruksyon ng NMIA, tiyak lalago ang ekonomiya ng lalawigan dahil sa inaasahang pagdami ng hotels, restaurants, department stores, condominiums at iba pang negosyo. Kasabay ang pagsasaayos sa mga tulay, skyways at highways, at modernong transportasyon gaya ng railways na lilikha ng libu-libong trabaho para sa mga residente ng Bulacan.

Ngunit ang ganap na pag-unlad ng lalawigan ay nakasalalay sa tapat, maayos, at matalinong pamumuno– hindi produkto ng mga kasinungalingan at paninira gaya ng ginagawa ng mga kalaban sa pulitika.

Hindi matatawaran ang karanasan at husay sa pamumuno ni Sy-Alvarado at katunayan nito ang mga parangal at pagkilalang natanggap niya habang nasa posisyon: SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE (SGLG); GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING PASSERS FOR THE YEAR 201 ng Department of Interior and Local Government (DILG); GAWAD KALASAG Hall of Fame Award bilang Best PDRRMC para sa magkakasunod na tatlong taon; AGRI-PINOY RICE ACHIEVERS AWARD ng Department of Agriculture (DA); BEST PERFORMING LOCAL GOVERNMENT UNIT (LGU) AWARD FOR COOPERATIVE DEVELOPMENT; MOST OUTSTANDING PROVINCE IN CENTRAL LUZON; REGIONAL OUTSTANDING WINNER IN NUTRITION (CROWN) MAINTENANCE AWARD; 2015 MOST BUSINESS-FRIENDLY LOCAL GOVERNMENT UNIT; HOME OF GALLONERS AWARDEE; MOST OUTSTANDING GOVERNORSHIP AWARD FOR THE YEAR 2013 AT 2015; NUTRITION AND ANTI-HUNGER PROGRAMS; MOST PWD-FRIENDLY PROVINCE HALL-OF-FAMER AWARDEE; OUTSTANDING PROVINCE FOR MEASLES RUBELLA ORAL POLIO MASS IMMUNIZATION; MOST SUPPORTIVE LGU FOR THE WELFARE OF PERSONS WITH DISABILITY.

Sa panunungkulan ni Sy-Alvarado bilang gobernador ng Bulacan ay inimplementa niya ang programang “KALINGANG BULAKENYO” na mga benepisyaryo ay solo parents, senior citizens, at iba pang mga nangangailangang kababayan.

Ipinaglaban niya ang Republic Act (RA) 7875 na nag-aamyenda sa RA 10606 o mas kilala bilang The National Health Insurance Act of 2013 sa ilalim ng Section 6 na nagsasaad na, “All citizens of the Philippines shall be covered by the National Health Insurance Program.”

Ipinagawa rin ni Sy-Alvarado ang OB/Medical Bldg-OB-ER/LR-DR Section ng Bulacan Medical Center.

Sa panayam ng SAKSI NGAYON sa former Bulacan Gov., sinabi niyang mahalaga ang pagiging totoo sa paglilingkod sa kapwa para pagpalain tayo ng Diyos.

“Katotohanan ang magpapalaya sa atin,” giit pa ni Sy-Alvarado. (JOEL O. AMONGO)

21

Related posts

Leave a Comment