KILALANG TAPSILOGAN SA MAYNILA NASUNOG

NILAMON ng apoy ang isang kilalang tapsilogan sa General Malvar St. kanto ng Taft Avenue sa Maynila nitong Biyernes ng hapon.

Mabilis namang nagresponde ang mga fire truck pati ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang tumulong na apulahin ang sunog.

Nagdulot ng matinding trapik sa kahabaan ng southbound ng Taft Avenue ang nasabing sunog.

Ito ay dahil nabarahan ang kalsada ng mga bumbero na nagresponde sa kaya naman naipit sa trapik ang mga sasakyan na patungong Baclaran.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas sa unang alarma ang sunog sa nasabing tapsilogan o kainan.

Maging ang katabing puno ay bahagya ring nadilaan ng apoy kaya naman isinama ng fire volunteers na bombahin ng tubig upang hindi na ito gumapang pa sa mga kable o kawad ng kuryente

Nadamay rin sa sunog ang mga kable ng telepono.

Bago mag-ala una ng hapon nang unang makitaan ng usok ang nasabing establisyemento ngunit mabilis itong nagliyab at lumaki ang apoy dahil may kalumaan na ito bukod sa gawa lamang sa light materials.

Hindi naman nadamay ang katabing salon dahil mayroon itong fire wall.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala sa insidente.

(JOCELYN DOMENDEN)

51

Related posts

Leave a Comment