MATAPOS ang mahabang pananahimik, biglang nagpasikat ang mga operatiba ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa isinagawang operasyon sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension, gawing hangganan ng Pasig City at Cainta.
Hindi bababa sa 50 pampasaherong dyip at mga UV Express ang nasampolan bunsod anila ng hindi pagsunod sa itinakdang bilang ng pasaherong pwedeng isakay, sa hangaring maiwasan ang hawaan ng nakamamatay na COVID-19. Sa guidelines na ipinalabas ng gobyerno sa mga lugar na isinailalim sa iba’t ibang antas ng community quarantine, 50% lamang ang itinakdang kapasidad ng bawat PUV.
Bago pa man dinispatsa ang mga operatiba, bumaha ng patutsadang reklamo at hinaing sa social media hinggil sa umano’y kawalang aksyon ng nasabing tanggapan kaugnay ng diumano’y kabi-kabilang paglabag sa health protocols ng mga pampasaherong dyip at UV Express na bumibiyahe sa rutang Binangonan, Angono, Taytay, at Cainta patungo at mula sa mga lungsod ng Pasig at Mandaluyong sa National Capital Region.
Bukod sa citation tickets, nahaharap din sa multa ang mga nasampolan PUVs. (CESAR BARQUILLA)
260 