(NI HARVEY PEREZ)
PINABULAANAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang ispekulasyon na may kinalaman si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa napipintong paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison (NBP).
“I have no reason to believe that the intervention of any person, including Sec. Panelo, will be necessary,”ayon kay Guevarra.
Si Sanchez ay kinasuhan at nahatulan dahil sa panggagahasa at pagpaslang kay University of the Philippines Los Baños students Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.
Nabatid na si Sanchez ay hinatulan noong Marso 11,1995 ni Judge Harriet Demetriou at si Panelo ay isa sa defense counsel ni Sanchez.
Habang pinagtibay naman ng Supreme Court ang hatol ng Pasig RTC na pitong ulit na reclusion perpetua.
Sinabi ni Guevarra na ang Department of Justice (DoJ) at Bureau of Corrections(BoC) ay kino-commute na ang good conduct time allowance ni Sanchez at maaari siyang makalaya sa lalong madaling panahon dahil sa 2013 law increasing GCTA at ang Supreme Court decision noong Hunyo na nag a-apply sa law retroactively.
Sanhi nito, ang mga bilanggo na nagsilbi na ng kanilang sentensya o sumasailalim sa
preventive imprisonment ay kuwalipikado na mabawasan ang kanilang sentensiya alinsunod sa time allowances sa ilalim ng R.A. 10592.
Hindi lamang si Sanchez ang makikinabang dito kundi maging ang libu-libong bilanggo.
