Koneksyon kay Yang ng Pharmally execs ‘di alam CLUELESS SI GALVEZ?

CLUELESS si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kung may koneksyon kay dating Presidential adviser Michael Yang ang executives ng Pharmally firm na nag-suplay sa bansa ng P8-billion COVID-19 pandemic supplies.

Ang pahayag na ito ni Galvez ay matapos ipakita at ipanood ni Senador Richard Gordon sa Senate inquiry ang isang footage mula sa state-run RTVM na nagpapakita na may meeting si Chinese businessman Michael Yang at Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Pharmally officials.

Si Yang ay dating presidential adviser on economic affairs.

Sa kabilang dako, tinukoy ni Senador Risa Hontiveros ang records mula sa Taiwan’s Ministry of Justice website, kung saan si Pharmally chairman Huang Wen Lie, o mas kilala bilang Tony Huang, ay “wanted” para sa “securities fraud, stock manipulation, at embezzlement.”

Makikita rin listahan ng nasabing website ang pangalan ng anak ni Huang na si Huang Tzu Yen — na nakaupo bilang incorporator ng Pharmally Pharmaceutical Corp. at Pharmally Biological Inc. — bilang wanted person para sa stock manipulation.

“Wala kaming kaalam-alam po diyan,” ayon kay Galvez.

Handa naman umano siyang harapin ang Senate inquiry sa usaping ito sa Setyembre.

Matatandaang sinabi ni Sec. Harry Roque na walang pangangailangan na magsagawa ng background check sa Pharmally dahil ang kumpanya ay hiwalay na entity mula sa personalidad na nasa likod nito. (CHRISTIAN DALE)

 

141

Related posts

Leave a Comment