KONGRESO BAKASYON NA

SIMULA na bukas, Marso 25, ang limang linggong bakasyon ng mga mambabatas sa kanilang plenary work.

Noong Miyerkoles ng gabi ay tuluyang nag-adjourn ang session ng mababang kapulungan ng Kongreso subalit bukas lamang magsisimula ang kanilang pormal na session break na magtatagal hanggang Mayo 7.

Babalik ang session ng Kongreso sa Mayo 8 kung saan isang buwan lamang magsesesyon ang mga ito at muling mag-aadjourn sa Hunyo 2, kasabay ng pagsasara ng 1st Regular Session ng 19th Congress.

Bubuksan ang 2nd Regular Session sa July 24, 2023 kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Gayunpaman, kahit nakabakasyon ang Kongreso ay tuloy ang trabaho ng mga committee na nais magsagawa ng mga public hearing matapos itong payagan ni House Speaker Martin Romualdez.

“Mr. Speaker, in accordance with our rules, I move that we authorize all committees to conduct meetings and/or public hearings, if deemed necessary, during the House recess from March 23, 2023 to May 7, 2023,” ayon sa mosyon ni House majority leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe bago mag-adjourn ang session na pinayagan ni Romualdez.

Kailangan umanong magtrabaho pa ang mga committee chairman dahil may walo pang panukalang batas mula sa 31 na tinukoy sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bilang priority bills ni Marcos ang hindi pa naipapasa.

Unang ibinida ni Romualdez na 23 sa 31 priority bills ni Marcos ay nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.

“We authorized our committees to continue working during the recess consistent with the firm commitment of the House of Representatives to approve priority measures agreed upon in the LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory Council) meetings that would give flesh to the 8-Point Socio-Economic Agenda of the national government,” ani Romualdez. (BERNARD TAGUINOD)

488

Related posts

Leave a Comment