Kongreso hindi nagpabuyo TAUMBAYAN MUNA BAGO ABS-CBN

KUNG mayroon mang dapat unahin ang Kongreso ay ang mga panukalang batas na makatutulong sa sambayanang Filipino lalo na ngayong panahon ng pandemya at hindi ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ito ang tila mensahe ng ilang kongresista matapos i-pressure umano ng ilang mambabatas at ilang sektor ng lipunan ang Kongreso na aprubahan na ang prangkisa ng naturang TV network.

Ayon kay House Deputy Speaker Dan Fernandez ng Laguna, ang taumbayan muna na masyadong apektado sa COVID-19 pandemic ang dapat bigyan ng atensyon ng Kongreso bago ang iba.

“Congress will not abandon its task of deciding on the issue of ABS-CBN’s franchise. But what we should keep in mind is that we have other more important and urgent concerns, such as addressing the impact of COVID-19 on our economy and our people, that we need to resolve first,” ani Fernandez.

Sinabi naman ni Antipolo Rep. Roberto Puno na kailangan na kailangan ng mamamayan ang tulong ng Kongreso para mailigtas ang kanilang buhay sa pandemya at maibangon ang ekonomiya.

Ito aniya ang kailangang unahin ng Kongreso dahil buhay ng lahat ng Filipino ang nakasalalay dito.

Hindi magic ang prangkisa Para naman kay Deputy Speaker Raneo Abu, kahit magsagawa ng pagdinig ang House committee on legislative franchise sa prangkisa ng ABS-CBN, hindi nangangahulugan na ibibigay agad ito na parang magic.

Kailangang pakinggan aniya ng Kongreso ang pabor at kontra sa pagpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN na mangangailangan ng mahabang oras.

“Conducting a hearing is not a magic pill that will instantly cure ABS-CBN’s franchise woes. We should all remember that evidence and facts need to be presented.. Congress needs to spend considerable time and attention to this issue before it can render its decision,” ani Abu. BERNARD TAGUINOD

179

Related posts

Leave a Comment