Krimen binidyo ng salarin DATING REPORTER PATAY SA PANANAGA

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang dating broadsheet reporter matapos pagtatagain ng kanyang kainuman nitong Miyerkoles ng umaga sa Rodriguez, Rizal.

Nakilala ang biktima na si Norberto “Bert” Javier, 68-anyos, tanod ng Brgy. San Rafael sa nasabing bayan at dating reporter ng Manila Bulletin.

Sa ulat, dakong alas-04:40 ng umaga habang natutulog ang biktima sa tindahan sa Sitio Wawa sa nasabing barangay ay inatake ito ng suspek na si Victor Enavia, 33-anyos at pinagtataga.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Ynares Hospital sa Rodriguez subalit idineklarang dead on arrival ni Dr. Kim Pascual.

Napag-alaman na ang tindahan na pinangyarihan ng krimen ay ginagawang tambayan ng mga tanod.

Sa follow-up operation ng Rodriguez PNP ay kaagad naaresto ang suspek at nang busisiin ang kanyang cellphone ay nakita na kinunan nito ng video ang krimen. (TOTO NABAJA)

53

Related posts

Leave a Comment