Philippine Art Community tumutugon sa kolektibong kalungkutan sa isasagawang Damay At Dangal: Hanggang Sa Muli

Ang Cultural Center of the Philippines, sa pakikiisa sa Concerned Artists of the Philippines, ay pangungunahan ang iba’t ibang komunidad sa pag-unawa at pagpapahayag ng kalungkutan para sa mga yumao magmula nang magsimula ang pandemya ng COVID-19, sa pamamagitan ng Damay at Dangal: Hanggang sa Muli, na gaganapin sa Abril 9, 2022. Ito ay mangyayari nang sabay-sabay on-site sa CCP Ramp at Main Theater Lobby, at live-streamed ng CCP, CCP Intertextual Division, Damay at Dangal at Hanggang sa Muli Facebook pages.

Sa suporta ng Hanggang sa Muli Memorial Website team, ang isang araw ng okasyon na ito na sinimulan noong nakaraang taon ng Citizens’ Urgent Response to End CoVid (Cure CoVid), Promotion of Church People’s Response at ng Bayan Muna Tandang Sora Network ay naglalayong gunitain ang mga buhay at mga obra ng mga yumao mula Marso 2020 hanggang sa kasalukuyan.

Magkakaroon ng pre-show ang naturang okasyon na sisimulan ganap na alas-3:00 ng hapon, kasama ang pagtatanghal ng pagkakalagay ni Toym Imao sa CCP Ramp. Ang pag-install, na nagsisilbing “altar,” ay mananatili sa CCP Ramp hanggang Linggo, Abril 10, 2022. Hinihikayat ang mga pamilya, kaibigan, at kasamahan na magdala ng memorabilia ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Maaari silang magsindi ng kandila, mag-alay ng mga bulaklak, panalangin, at mga alaala sa pag-install ng sining. Magkakaroon din ng video presentation ng “Pagbabasa ng Pangalan ng Mga Yumao.” Mga piling opisyal at empleyado ng CCP kabilang sina Pangulong Arsenio Lizaso, at Bise-Presidente at artistikong direktor na si Chris Millado, gayundin ang mga miyembro ng Concerned Artists of the Philippines, mga artista at personalidad tulad nina Karen Davila, Rico Hizon, Agot Isidro, Nanding Josef, Joel Lamangan, Lualhati Bautista, Gina Alajar, Ricky Lee, Enchong Dee, at iba pa, ang mga magbabasa ng mga pangalan ng mga yumao. Ang pangunahing programa na ididirek ni Krix San Gabriel ay magsisimula sa ganap na alas-5:00 ng hapon, na may mga panalangin, musical performances ng award-winning chorale na Philippine Madrigal Singers, biblical readings, eulogies, at hosted ito nina Iza Calzado at Atom Araullo.

Para sa updates at iba pang mga detalye, itsek ang CCP website, CCP official social media accounts sa Facebook, Twitter at Instagram, o tumawag sa 8551-5959 / mag-e-mail sa ccpintertextualdivision@gmail.com. Para sa mga dadalo sa Damay at Dangal, mangyaring basahin ang CCP protocols para sa Alert Level 1: https://bit.ly/ccpnewnormalprotocol

437

Related posts

Leave a Comment