YOUNG VIRTUOSOS NG NAMCYA MAGTATANGHAL NG FAZIOLI SA ISANG VIRTUAL CONCERT SERIES

Limang mga batang piyanista ang magkakaroon ng pagkakataon upang ipakita ang kanilang mga talento at kahusayan sa isang special virtual concert series na “Special Concert Series: Young Virtuosos Play on the Fazioli Piano,” sa Pebrero 9-13, 2022 na live streamed sa CCP Youtube Channel at Facebook Page.

Sina Nathan Samuel Gemina, Michael Angelo Valenciano, Aidan Ezra Baracol, Inna Montesclaros at Ella Gabrielle Gaw ang magtatanghal ng isang classical piece sa isang 15-minute solo recital, na magpapamalas sa kanilang musicality at piano skills using the CCP Fazioli piano, isa sa iilan sa bansa.

Isang grade-10 scholar sa Philippine High School for the Arts, si Baracol ay nagwagi ng first prize sa 2020 NAMCYA Junior Piano category at Best Interpretation sa Contes Piece sa parehas na kumpetisyon, na ilan sa kanyang mga natanggap.

Enjoy naman ang siyam na taong gulang na si Gaw sa pagpapatugtog ng Beethoven at Mozart at nagwagi ng maraming pagkilala. Siya ay naghahanda para sa kanyang solo concerts tampok ang Bach’s intervention works, Beethoven sonata, at D. Shostakovich pieces.

Isang music degree graduate sa Royal College of Music sa London, si Montesclaros ay kilala sa kanyang warm musical tone at in-depth understanding sa musical pieces. Noong 2019, natapos niya ang isang serye ng concerts sa Pilipinas upang iaangat ang classical music at magkalikom ng pondo para sa advocacy projects para sa kababaihan.

Si Valenciano, isang Piano Performance degree holder mula sa UST Conservatory of Music, ay naging 2018 NAMCYA second place winner. Siya ay naging full scholar ng Friends for Cultural Concerns of the Philippines, sa rekomendasyon ni Dr. Sunico.

Gayundin, isang graduate ng UST Conservatory of Music, si Gemina ay nagkamit ng second prize sa 2019 NAMCYA Senior Piano category, naging finalist din sa 2016 Junior Piano category. Sa kasalukuyan, isa siyang piano teacher sa ACTS Manila and isang member ng Piano Teacher’s Guild of the Philippines.

Ang concert series na ito – na pre-recorded sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater) – ay hosted ng kilalang pianist na si Raul Sunico, na dalubhasa sa literatura ng Fazioli piano.

Inilarawan bilang perfectly balanced, ang faziolis ay lubos na itinuturing para sa kanilang napakagandang tono at feather-like touch. Ang CCP Fazioli piano ay ganap na ginawa na may tremendous precision, consistency at tunay na maganda. Ito ay ginamit at tinugtog para sa mga konsiyerto na nagtatampok ng mga pinakatanyag na musikero kabilang si Dr. Sunico, pianist na si Mary Anne Espina, at ang pianist/harpist ng PPO na si Madeline Jane Banta.

Ang concert ay inorganisa sa kooperasyon ng National Music Competitions para sa Young Artists (NAMCYA). Simula noong 1973, ang NAMCYA ay nagpoprodyus ng outstanding young pianists sa pamamagitan ng Junior at Senior Piano categories ng kumpetisyon.

Sa pamamagitan ng CCP Special Concert Series, ang winning musicians ay magpapamalas ng kanilang talent sa pamamagitan ng solo concerts. Layon din ng konsyerto na pasikatin at ipagmalaki ang pagtangi sa classical piano music sa mga batang manonood at general public.

Para sa updates, sundan ang CCP at NAMCYA Facebook Page.

446

Related posts

Leave a Comment