LA UNION MAYOR, MISIS POSITIBO SA COVID-19

LA UNION – Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19, ang alkalde ng bayan ng Caba sa lalawigang ito, gayundin ang misis niyang konsehal.

Sinabi ni Caba Councilor Donna Crispino, siya at asawa niyang si Caba Mayor Philip Crispino, ay sumailalim sa self-quarantine nang magpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Donna, maayos naman ang kalagayan nila ng kanyang asawa, kasabay ng paghingi ng dispensa sa mga nakalasamuha nila mula Pebrero 2020.

Sinabi ni Donna, siya at ang kanyang asawa ay unang nakaramdam ng pananakit ng lalamunan ngunit hindi nila akalain na sintomas ito ng COVID-19.

“Yung sintomas ‘di siya kumpleto. Like me wala akong fever. I had headache, body pain, ‘yung una ganoon. Tapos sumunod na lang ‘yung sipon. Parang it lasted for 5 days,” sinabi ni Donna.

Agad nila itong sinabi sa kanilang health officer na idineklara sila bilang persons under investigation (PUI)

Nagpunta sila sa Maynila para dumalo sa Philippine Councilor’s League noong Pebrero 26, kung saan naniniwala silang doon nagmula ang virus.

Patuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mag-asawa. (KIKO CUETO)

107

Related posts

Leave a Comment