(FERNAN ANGELES)
PARANG latang nayupi si Senador Bong Go sa mga patutsada ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, kasabay ng paglilinaw na wala aniyang sigalot sa pagitan nilang dalawa.
Sa isang social media post, mariin ang pagtanggi ni Go na ‘di na sila nag-uusap ng unica hija ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang pinagsilbihan bilang special assistant sa loob ng mahabang panahon sa Davao noong alkalde pa lamang ang pangulo.
“Mayor Sara and I are on speaking terms. We don’t have issues against each other. I love them as much as I love their father,” wika ni Go sa kanyang Facebook post.
“I vowed that I will stay with him forever and one of the things he asked me is to protect his children when he is long gone,” dagdag pa niya.
Bagamat hindi pa rin umano niya batid ang plano ni Sara para sa 2022 presidential election, ang kanyang hinaharap sa pulitika ay nakasalalay sa magiging pasya ng pamilya Duterte.
“Whatever their discussion, it was between them. But like I said, I will support their decision,” diin pa ng senador na makailang ulit nang nakaladkad sa mga kontrobersiya at bintang ng katiwalian sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Una nang napaulat na isinusulong ng Partido Demokratikong Pilipino na pinamumunuan mismo ng pangulo ang pagtakbo ni Go bilang pangulo at ng matandang Duterte bilang bise-presidente. Bukod sa nominasyon, binigyang laya rin ng partido ng administrasyon si Duterte para makapamili ng magiging standard bearer.
Hindi naman kumbinsido ang Malakanyang batay sa naging pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque na nagsabing di naman umano kakandidatong pangulo ang nakababatang Duterte. Ito rin aniya ang naging batayan ng pangulo na tanggapin ang nominasyon ng PDP-Laban na maging pambatong kandidato sa pagka bise-presidente sa susunod na halalan.
“As of 5:46 p.m. yesterday, here’s the latest message from the President: ‘Things are clear now. I will run for vice president,'” ani Roque.
“I think, among others, the statement was the President’s basis to conclude that things are clear now, that he can run for vice president, because I think his perception is that Mayor Sara Duterte will not run,” dagdag ng tagapagsalita ng pangulo.
167 