Laban sa pulitikal na pagkakawatak-watak GRUPONG SUSUPORTA SA PANAWAGANG PAGKAKAISA NI PBBM INILUNSAD

NAGSAMA-SAMA ang grupo ng mga mambabatas, mga dati at kasalukuyang opisyal ng lokal na pamahalaan, at mga makataong grupo sa paglulunsad ng pagkilos para suportahan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pagkakaisa at tanggihan ang pulitikal na pagkakawatak-watak upang makamit ang mithiin ng pamahalaang magkaroon ng pag-unlad.

Ang grupo na tinaguriang Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino ay lumantad sa publiko sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Marquee Tent, Edsa Shangri la Hotel at dinaluhan nina dating Senate President Vicente Sotto III, Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos gayundin ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.

Kabilang sa mga bumubuo ng grupo sina Rep. Rida Robes ng San Jose del Monte City, Bulacan, Divina Grace Yu ng Zamboanga del Sur, Luisa Lloren Cuaresma ng Nueva Vizcaya, Richard Gomez ng 4th District ng Leyte, Johnny Pimentel ng Surigao del Sur, Toby Tiangco ng Navotas. Rosanna “Ria” Vergara ng Nueva Ecija at Bacolod City Mayor Alfredo Abelardo Benitez.

Sinabi ni Sec. Abalos na siyang tagapagsalita na ang pagbuo ng grupo ay tugon sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na pagkakaisa at pagtanggi sa pagkakawatak-watak ng pulitika sa bansa.

Aniya, mariin ang sinabi ni Pangulong Marcos, Jr. na “we are here to repair a house divided…to make it strong again in bayanihan way. Our coming together is our response to the President’s clarion call for unity. KNP is immediately formed to formalize that movement to solidify (our) platform for cohesive, inclusive and unified action for national economy and sustainable development,” sabi ni Sec. Abalos.

Nilinaw naman ng bumubuo ng KNP na hindi ito pagkilos pulitikal kundi isang socio-civic movement na naglalayong abutin ang lahat ng sektor ng lipunan hanggang sa mga katutubo.

Ayon naman kay Rep. Robes, “All we want is toe the group to be inclusive and united in pursuit of a better Philippines”. “Ito po ay tugon sa panawagan ng pangulo – ang magbuo ng isang kilusan at pagalingin ang malalim na hidwaan ng pagkakawatak-watak…Ang kilusan ng Nagkakaisang Pilipino ay isang kilusan, samahan, ugnayan at tagpuan ng lahat ng Pilipinong nagmamahal sa bansa at naghahangad ng tagumpay at pag-unlad ng buhay ng bawat Pilipino,” dagdag pa niya.

“What happened today is only the beginning of a bigger plan to expand the organization. Today we are 200. Next month, 2,000…and in the days to come 20,000 to 200,000 to 2 million to twenty (million) and beyond. The growth is exponential until we embody our vision of a truly unified nation,” sabi pa ng kongresista.

Layunin din ng grupo na makintal sa kaisipan ng marami ang isang pamahalaan ng pagbabago.

“We are here to affirm our unwavering and full support to President Ferdinand Marcos Jr.—in his call to collectively work for a better Philippines for all Filipinos regardless of political conviction, religion, motivations and creed,” pahayag pa niya.

Sinundan naman ni Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna Vergara ang naturang panawagan at sinabing ang inilunsad na bagong samahan ay grupo ng nagkakaisang Pilipino na naglilingkod para sa mas maunlad na Pilipinas.

“Ito ay para sa lahat at lahat ay kasama—walang iwanan. It is for everyone and everyone is welcome. Magkaiba man ang ating pinanggalingan, ang ating mga pananaw—nagkakaisa tayo sa layunin at mithiin, dagdag pa niya.

187

Related posts

Leave a Comment