LACSON PINATULAN ‘SUNTUKAN’ NINA BASTE, TORRE

HANDA si Senador Panfilo Lacson na gastusin ang kanyang isang buwang pensyon bilang retired 4-star police general upang ipambili ng ticket sakaling matuloy ang boxing match sa pagitan nina PNP Chief General Nicolas Torre at Davao City Vice Mayor Baste Duterte.

Hindi pa naman desidido si Lacson kung personal siyang manonood sa Torre-Baste Duterte fight, subalit dahil ang kikitain dito ay sinasabing ibibigay sa mga biktima ng baha kaya handa siyang bumili ng mga ticket.

Sinabi ng dating hepe ng PNP na bagamat masasabing hindi appropriate o karapat-dapat na pinatulan ni Torre ang hamon ng Bise Alkalde, personal anya itong desisyon matapos siyang hamunin at insultuhin sa harap ng publiko.

Para kay Lacson, tama man o mali, dapat na igalang ang pasya ni Torre.

Inihayag pa ng senador na ayon sa isang credible source, isang CEO ng popular na casino hotel at kilalang philanthropist ang handang buksan ang kanilang ballroom para sa charity boxing match nina General Torre at Vice Mayor Baste Duterte. (DANG SAMSON-GARCIA)

119

Related posts

Leave a Comment