LADY PUSHER HULI SA P13-M SHABU

BAGSAK sa kulungan ang isang babae na hinihinalang bigtime drug pusher matapos makumpiskahan ng mahigit P13 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong suspek na si Herssie Ogoy, 23, ng Fatima Street, Tulay 14, Brgy. Daang Hari, Navotas City.

Ayon sa report ni Col. Barot kay Northern Police District (NPD) Director, P/BGen. Jose Hidalgo Jr., ang pagkakaaresto sa suspek ay nag-ugat sa ibinunyag ni Alejandro Blancaflor alyas “Andy,” 46 na unang inaresto dakong alas-6:20 ng gabi sa Basilio Boulevard, Brgy. Dampalit, na ang kanyang source ay isang alyas “Herssie”.

Ayon kay Col. Barot, dakong alas-11:00 ng gabi ay nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Alexander Dela Cruz, ng buy-bust operation sa Dalagang Bukid St., Brgy. Longos kung saan isang undercover police ang nakipagtransaksyon kay Ogoy ng P50,000 halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 2 kilos at 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P13,940,000, buy-bust money at cellphone.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (FRANCIS SORIANO)

242

Related posts

Leave a Comment