RIZAL – Patay ang isang lalaki nang sumabog ang takuri na pinakuluan ng tubig para magtimpla ng kape noong Martes ng madaling araw sa lungsod ng Antipolo.
Sa naantalang ulat ng Antipolo PNP, kinilala ang biktima sa pangalang Fernandez, nasa hustong gulang, ng Sitio Binayoyo, Brgy. Calawis, Antipolo City.
Ayon sa record ng pulisya, nasa pagitan ng ika-4:00 hanggang ika-5:00 ng umaga nang mangyari ang trahedya sa Sitio Binayoyo.
Kararating lang ng biktima sa bahay ng kanyang bayaw at maghahanda ito ng almusal at magtitimpla ng kape ngunit nang kunin nito ang takuri na may pinakulong tubig ay bigla itong sumabog.
Naisugod pa umano sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Blangko pa ang mga awtoridad kung ano ang sanhi ng pagsabog ng takuri. (ENOCK ECHAGUE)
178
