LALAKI TIMBOG SA 15 ARREST WARRANTS SA CAVITE

CAVITE – Sumugod pa ang mga operatiba ng Magallanes Municipal Police Station (MPS) sa Dilasag, Aurora, Quezon upang arestuhin ang isang wanted person na may 15 outstanding warrants of arrest sa kasong theft at robbery, noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Magallanes MPS hinggil sa kinaroroonan ng suspek na si alyas “Mark” kaya agad na tumulak ang mga ito sa Aurora, Quezon at nakipag-ugnayan sa Warrant Section ng Aurora MPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya sa Sitio Madalipay, Brgy. Dimaseset, Dilasag, Aurora bandang alas-10:10 noong Miyerkoles ng umaga.

Si alyas “Mark” ay may 14 outstanding warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Andy Devera, ng Fourth Judicial Region, Regional Trial Court Branch 135, Tagaytay City, Cavite sa kasong theft in relation to RA 10175, at isang warrant of arrest sa kasong robbery sa ilalim ng Article 3022 ng RPC, na inisyu naman ni Presiding Judge Bryan Alphonso Endecio Perez, ng Municipal Trial Court, Fourth Judicial Region, Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite. (SIGFRED ADSUARA)

31

Related posts

Leave a Comment